Filipino Blog

“Who cares if we don’t see the sun shine ever again? I want you more than any blue sky. The weather can go crazy.”

– Hodaka Morishima

Ang aking blog ay tungkol sa pelikulang Weathering with you, isang japanese animated movie. Hindi siya naging sikat di kagaya ng ibang animated movie diyan pero ginawa parin ng magaling na direktor ng animated film na si Makoto Shinkai. Nakita ko nang pelikula ito kaya alam ko anong nangyari dito. Nag asa ang mga tao na may bad ending ito at may pa cliffhanger pa na walang ikalawang pelikula maggawa dahil yun na yung ending, pero iba ang ending ito kaya nagustohan ko tong pelikulang ito kaysa sa iba.

Paglabas ng Trailer sa Weathering with you. Alam ko na maganda ang pagguhit ng mga larawan lalo na pag si Makoto Shinkai ang naging direktor. Sa trailer naman walang importante ipinakita doon kundi pinakilala lang nila ang mga karakter.

Ang istorya ay tungkol sa isang bata na ang pangalan ay Hodaka Morishima, tumira siay sa isang native village ng japan, nang dahil dito tumakas at lumipat sa tokyo sa ilegal na pamaraan. Don nalaman niya na palaging umulan ang tokyo at walang tigil ang ulan. Pagdating niya sa tokyo nalaman niya din na mahirap tumira sa tokyo pag wala kang pera kaya nag hanap siya ng paraan para makakuha ng pero. Isang araw na pumunta siya sa “McDonald” nakita niya si Hina Amano, ang pangalawang protagonista sa pelikula. Mga ilan araw naman nakita ulit niya si Hina na linapitan ng dalawang lalaki para gawin siyang prostitute. Linigtas ni Hodaka si Hina gamit ang baril na nakita niya sa basura, tumakbo at nakatas din sila. Dito nag simula ang kanilang relasyon.

Mga ilan araw ang kanilang pagsasama. Ipinakita ni Hina ang katotohanan kay Hodaka na siya ay isang Weather Maiden, isang babae na may kakayahan kontrolin ang panahon, pwede niya tigilan ang ulan at ibigay ang sikat ng araw. Ngunit isa itong sumpa, Kada gamit niya ng kakayahan na ito ay unti unti siya mawawala at mapunta siya sa langit o ano man yan bilang sakripisyo para matagil ang ulan. Si Hodaka ay naghanap ng paraan na hindi mawala si Hina pero walang ibang paraan kaya nanatila si Hina na lupa at ang ulan naman ay bumuhos hanggang nagkaroon ng baha.

Akala ko na namatay si Hina dahil nakita ko si Hodaka na bumalik sa kangyang tahanan pero mali akali ko.

Ilang taon lumipas.

Bumalik si Hodaka sa Tokyo at hinanap niya si Hina. Nakita Din niya si Hina, sa parehong lugar na inamin niya ang nararamdaman niya kay Hina. Natapos ang pelikula na nag hawak kamay sila at sinuot parin niya ang sinsing nabinigay ni Hodaka.

Nagustohan ko ang pelikula ito pero hindi ito naging una sa aking listahan dahil hindi ito nakakaiyak kundi parang masaya sa loob dahil happy ending ito. Pokus din ito sa pantasya kaya hindi nangunguna sa listahan ng iba, kasali na ako. Ang pinaka nagustuhan ko sa pelikula ay yung musika, ang paggawa ng musika na ito ay lampas sa ibang pelikula lalo na si sine ka nanood.

Ang mensahe naman dito ay mahirap intindihan, dahil hindi pa ito nangyari sa akin, di ko alam sa iba. pero ang mensahe dito ay dapat mahalin natin ang ating mahal sa buhay dahil hindi lang tao ang kumukuha sa kanya pati narin ang mundo at ang kalamidad. May kakayahan ang mundo na wasakin ang relasyon ng isang tao, lalo na pag kinuha ang kanyang buhay. Kaya magtulungan nalang tayo para mabuhay, dahil hindi lahat ay magiging kaibigan natin.

Published by: Vince Gabriel A. Co


Follow My Blog

Get new content delivered directly to your inbox.

Design a site like this with WordPress.com
Get started